Promotion

Libreng Burial Benefit

Posted: November 27, 2024

Sa PSSLAI, mahalaga sa amin ang kapakanan ng aming mga miyembro at kanilang pamilya, lalo na sa panahon ng pagsubok. Kaya naman, mayroon kaming Free Burial Benefit Program na nagbibigay ng agarang suporta at tulong-pinansyal sa pamilya ng miyembrong pumanaw.

Layunin ng programang ito na mabawasan ang bigat ng pinansyal na gastusin sa panahon ng pagluluksa. Sa pamamagitan ng maayos at mabilis na proseso, sinisiguro naming natatanggap ng pamilya ang nararapat na benepisyo bilang bahagi ng aming pangakong maging kaagapay sa bawat yugto ng buhay ng aming mga miyembro.

dyna-sec-img

SINO ANG PWEDENG MAG-CLAIM NG BENEPISYO?

Ang legal beneficiaries ng mga miyembrong kumuha ng qualified loan product simula Oktubre 19, 2020 ay maaaring makakatanggap ng benepisyo bilang tulong sa panahon ng pagdadalamhati.

 

UPDATED BURIAL BENEFIT (Effective October 1, 2024)

Ang Burial Benefit ay ibinibigay sa mga miyembrong may kwalipikadong loan, at ang matatanggap na halaga ay nakadepende sa sanhi ng pagkamatay ayon sa itinakdang guidelines ng Asosasyon. 

Burial Benefit AmountCause of Death
Php 60,000
  1. For members who are in active service – if cause of death is in the line of duty;
  2. For pensioners and associate members – if cause of death is while doing a heroic act*
Php 30,000If cause of death is due to natural cause

* Heroic act refers to an act of defending, protecting, or helping others in need despite the risk to life of the member, and in which resulted to his/her death.
 

KARAGDAGANG FINANCIAL ASSISTANCE

Bukod sa burial benefit, may karagdagang ₱10,000.00 financial assistance para sa mga biglaang gastusin. 


IMPORTANT REMINDERS

Ang pagiging miyembro ng PSSLAI ay awtomatikong nagtatapos sa oras ng pagkamatay ng miyembro. Mahalaga na ang lahat ng death claims ay maisumite sa loob ng isang (1) taon mula sa petsa ng pagpanaw. Kung hindi, ang burial benefit at anumang financial assistance ay forfeited. Tanging ang natitirang deposito ng miyembro ang maaaring ma-claim ng mga itinalagang benepisyaryo.

Ang burial benefit ay forfeited din kung:

  1. Ang miyembro ay walang aktibong loan o nakabayad na sa lahat ng loan sa oras ng kamatayan. 

  2. Ang miyembro ay may past-due balances sa kanyang mga existing loans. 


PAANO MAG-CLAIM NG DEATH BENEFITS?

  1. Bumisita sa pinakamalapit na PSSLAI office para simulan ang proseso.
  2. I-submit ang mga kinakailangang dokumento. Depende sa submitted documents at circumstances, maaaring manghingi ang PSSLAI ng karagdagang dokumento para makumpirma ang eligibility at identity ng beneficiary.
  3. Iche-check at verify ng PSSLAI employee ang account ng yumaong miyembro pati ang mga submitted documents. Kapag kumpleto na, agad itong ipoproseso at ipapasa para sa approval.
    • Note: Kung may outstanding loan ang pumanaw na miyembro, maaaring ma-extend ang processing time habang hinihintay ang clearance mula sa insurance provider.
  4. Makakatanggap ng notification ang beneficiary kapag handa nang i-claim ang death claim proceeds.

Para sa listahan ng mga requirements, click HERE

For inquiries, bumisita sa pinakamalapit na PSSLAI office, or you may reach us through the following:

  • 0917-856-7443 | 0998-962-2081 | 0925-545-7493
    Monday to Friday, 8:30 AM–4:00 PM (except holidays)
  • Email: membercare@psslai.com
  • Message us on Facebook
     

MEMBER STORIES

VIEW ALL

MEMBER STORIES

2024 PSSLAI Scholar Graduates

MEMBER STORIES

Mula sa Anumang Hamon Hanggang sa Tagumpay

MEMBER STORIES

Pangarap na Pag-ani

Privacy Notice and Cookie Policy

PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy