Pangarap na Pag-ani
Sa bukid, ang buhay ay umiikot sa pagsasaka. Minsan tirik ang araw at kung minsan din ay hindi matigil na ulan, at ang mga ito ay labis na nakaaapekto sa produksyon ng mga tanim. Kung mababa ang bentahan ng mga palay o kung minsa’y wala, mahirap ang buhay lalo na’t ang lupang kanilang sinasaka ay hindi sa kanila. Ito ang reyalidad ng kanilang buhay, minsa’y tuyot at minsa’y mayabong.
Ang buhay pulis ni PO1 Jovanie Solibio ay sa palayan itinamin. Nagmula ang kaniyang pangarap sa kaniyang ama at lolo na parehong nangarap na maging pulis ngunit sa kakapusan ng pera ay hiniling na lamang nila sa Panginoon ang kapalaran ng magiging unang pulis ng kanilang Pamilya. Ito ang pinanghawakan ni PO1 Solibio upang makatapos ng kolehiyo at makapagsilbi sa ating bayan. Kalaunan, siya ay nagkaroon ng isang anak na babae sa kaniyang maalagang asawa.

Sa kabila ng mga tagumpay na ito, sinubok ang kaniyang katatagan nang hindi maging sapat ang kaniyang kita upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya dahil siya ay nagsisimula pa lamang propesyon. Kung bumuhos man ang ulan, dumarating din naman ang sikat ng araw at sa pagkakataong iyon, nakilala ni PO1 Solibio ang Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI) mula sa kaniyang dating kaklase. Ang PSSLAI ay ang nagbigay sa kaniya ng malaki at napapanahong loan na nakatulong upang makabawi at makapag-ipon para sa titulo ng kanilang sariling lupa. Gayundin, nakakaya na nilang mamasyal at maglibang mula sa kinikita ng kanilang lupa. Matapos ang ilang buwan ay naging maayos ang kanilang buhay.
Mahalaga ang pamilya para kay PO1 Solibio, gagawin niya ang lahat upang mabigyan sila ng magandang buhay. Isang patunay nito ay nang humingi ng tulong ang kaniyang hipag na babae para sa kaniyang biyenan upang mapagamot ang sakit nitong cancer. Ayon sa kaniyang hipag, naibenta na nila ang lahat ng mayroon sila kabilang ang kotse, bahay, at lupa upang maipagamot ang kaniyang biyenan. Sa hiling na tulungan ang kaniyang pamilya, muling dinala ng kaniyang mga paa si PO1 Solibio sa pinto ng PSSLAI kasama ang dasal at hiling sa mabilis na proseso ng kanilang inaasam na loan para sa kanilang mahal sa buhay. Sa ikalawang pagkakataong paglapit, siya ay hindi binigo ng PSSLAI at naibigay ang loan na nag dugtong ng buhay sa kaniyang biyenan. Tunay mang masakit ang katotohanang kailangan lumisan ng ilan, nanatiling matatag sa buhay ang masipag na si PO1 Solibio. Nagpatuloy siya muli sa tulong ng PSSLAI, nakapagtapos siya ng Master’s degree sa taong 2020 sa Cagayan de Oro College at isinunod ang Doctorate degree noong 2022 sa Emilio Aguinaldo College sa Manila.
Ang buhay na itinanim sa palayan na mula sa sipag, tiyaga, at pangarap, kasama ang liwanag ng PSSLAI ay maaasahang aanihin araw-araw. Gayundin, ang lupaing minsa’y inasam, ngayo’y may titulong bitbit ang nagliliyab na pag-asa at pag-unlad sa hinaharap. Sa patuloy na pagsusumikap, mapagyayaman ang sarili sa anumang aspeto higit lalo’t handang umagapay sa lagi’t lagi ang PSSLAI.
Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy