PSSLAI: Kasama mo sa Pag-Angat
Mula pa noong 2003, kilala ang PSSLAI sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo na tumutugon sa pangangailangan at pag-unlad ng bawat miyembro. Hindi lamang kasiyahan ang isinasaalang-alang, kundi pati ang pinansyal na benepisyo at seguridad ng mga miyembro. Dahil dito, subok at maaasahan ang serbisyo ng PSSLAI—pinagkakatiwalaan hindi lang dahil sa mahusay na serbisyo kundi pati na rin sa mataas na integridad nito sa industriya.
Isa sa mga natulungan ng PSSLAI ay si PSSg. Maria Caress Arnejo, isang 36-anyos Patrol Officer mula sa Hinagdanan Cave, Bingag, Dauis, Bohol, at bahagi ng Bohol Tourist Police Unit. Sa pamamagitan ng serbisyong walang kapantay ng PSSLAI, nagkaroon siya ng suporta para sa kanyang personal at propesyonal na pangangailangan.

Si PSSg. Maria Caress Arnejo ay 11 taon nang nagseserbisyo sa Philippine National Police (PNP) at isang natatanging atleta sa karate at track and field. Ayon sa kanya, nakilala niya ang PSSLAI dahil popular ito sa PNP bilang tanging organisasyong maaasahan pagdating sa membership, loan, at iTrack services. Dahil sa mabilis na proseso, maraming benepisyo, at mababait na empleyado, 11 taon na siyang proud na PSSLAI member. Malaki rin ang naitulong ng PSSLAI sa kanya sa pagkuha ng bahay at lupa, kotse, at maging sa paghahanda para sa kanyang kasal.
Para kay PSSg. Arnejo, ang PSSLAI ay parang kaibigang laging handang tumulong. Lumaki siyang walang amang kaagapay sa buhay, at bagamat hindi siya pinalad makapasok sa Philippine Team, binuksan ng PNP ang pinto para maipamalas niya ang kanyang galing sa sports. Nag-uwi siya ng gintong medalya sa World Police and Fire Games noong 2022 sa Rotterdam, Netherlands at 2023 sa Winnipeg, Canada. Hindi man madali ang pag-abot ng pangarap dahil siya mismo ang gumastos sa biyahe, malaking tulong ang PSSLAI sa pagsuporta sa kanyang pangarap.
Buong puso niyang nirerekomenda ang PSSLAI sa kapwa niya pulis bilang kaagapay sa pangarap at emergency needs. Para kay PSSg. Arnejo, “Kaagapay ko si PSSLAI sa aking pangarap na makilala sa buong mundo.”
Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy