Mula sa Anumang Hamon Hanggang sa Tagumpay
Isang malaking dagok sa mga Pilipino ang nagdaang pandemya noong taong 2020. Ito ay nagsilbing hamon para sa lahat lalo na sa mga frontliner na buong tapang na ginampanan ang kanilang trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19. Dagdag pa rito ang mahigpit na pagpapatupad ng safety standards at protocol upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Isa si PCMS Santiago A. Arienda II sa mga nakaranas ng hamon ng pandemya. Bilang isang asawa at ama sa tatlo, bagama’t para sa kanilang ikabubuti at pagkaiwas sa posibleng sakit, hindi pa rin naging madali para sa kanya ang hindi pagpapahintulot ng kaniyang trabaho na umuwi at mayakap ang kaniyang pamilya. Ito ang nag-udyok sa kaniya na magpatayo ng maliit na bahay kubo sa gitna ng kanilang maliit na palayan.

Ito ay nagsilbi bilang tambayan at silungan ng mga uniformed personnel noong panahon na sila ay hindi makauwi sa kani-kanilang tahanan. Sa kalaunan ay naging proyekto na ni PCMS Santiago ang pag-aayos at pagpapaganda sa lugar gamit ang pondong ipinapa-utang ng Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI). Kaya naman sa tuwing siya ay maaari na ulit umutang ay hindi sya nagdadalawang isip na gawin ito para sa pagpapaganda sa lugar na ngayon ay tinatawag ng 76 FARM.
Ang lugar na dati ay nagsilbi lamang na puntahan nila noong panahon ng pandemya ay bukas na ngayon sa publiko upang maging pook pasyalan at pahingahan. Ito ay mayroong entrance fee sa halagang bente pesos (Php20) na siya ring ginagamit ni PCMS Santiago upang makapagbigay at magpakita ng pasasalamat sa komunidad. Ang 76 FARM ngayon ay isa na sa mga kinikilalang pook pasyalan at nakapagpapataas ng turismo sa bayan ng Legazpi. Bukod pa rito, ito ay nakapagbibigay ng oportunidad at trabaho sa mga taong nakatira malapit sa lugar. Lahat ng ito ay naging posible at ipinagpapasalamat nya sa PSSLAI. Mula noong pumasok siya sa serbisyo ay alam nya na ang tungkol sa PSSLAI dahil sa malawak nitong promotion, advertisement, at ang kanilang regular na financial literacy seminars kaya naman ay agad siyang naging miyembro nito. Halos lahat ng serbisyo na mayroon ang PSSLAI ay kaniya nang nasubukan at ginamit na nakatulong sa kaniyang pinansyal na pag-unlad, kaginhawaan, higit lalo na sa mga panahon ng emergency. Malaki ang tiwala ni PCMS Santiago sa PSSLAI bilang kaniyang personal na naramdaman ang tunay nilang layuning para sa ikabubuti, pag-unlad, at pag-abot ng pangarap ng kanilang mga kliyente na siyang makikita sa kanilang ibinibigay na kalidad na serbisyo. Sa ngayon, hindi na lamang sya at ang kaniyang pamilya ang nakikinabang sa naging tulong ng PSSLAI, kundi na rin ang komunidad na kanilang kinabibilangan.
Para kay PMCS Santiago, na ngayon ay isa nang CESPO of the Technical Support Company (TSC) of the Regional Mobile Force Battalion (RMFB5), ang 76 FARM ay isang biyaya. Hanggang ngayon ay mahirap pa rin para sa kaniyang paniwalaan na siya ay mayroong bukirin na hindi lamang nagsisilbing pasyalan, kundi na rin pinagmumulan ng hanapbuhay ng mga lokal. Kaya naman ay napakalaki ng pasasalamat niya sa PSSLAI na kaniyang naging kaagapay sa hamon ng buhay at tagumpay.
Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy