Anghel sa Katauhan ng PSSLAI
Mula noon hanggang ngayon, maaasahan ang Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI) sa mga serbisyong pinansyal tulad ng pautang, pag-iipon, iTrack, PSSLAI Bilis Online, Mobile App, at Visa Card. Para sa marami, ang PSSLAI ay parang anghel na nagbibigay-gabay at biyaya sa bawat pangarap.
Ganito rin ang kwento ng mag-asawang sina PSSG Maricar at PSSG Mark Chester Mabale mula Sibonga, Cebu. Isang simpleng pamumuhay ang kanilang tinatahak, ngunit tulad ng ibang magulang, hangad nilang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa abot ng kanilang makakaya. Mula pa noong 2013 at 2014, naging bahagi na sila ng PSSLAI. Sa PSSLAI, naramdaman nilang may kasangga silang tunay na handang tumulong sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Dahil sa tiwala ng mag-asawang PSSG Maricar at PSSG Mark Chester Mabale sa PSSLAI, nakapagpundar sila ng dalawang bahay at lupa para sa pamilya, isang pauupahang bahay, at isang lupang ari-arian sa Brgy. Sabang, Sibonga, Cebu. Sa panahon ng pagsubok nang magkaroon si PSSG Maricar ng ectopic pregnancy sa gitna ng pandemya at matapos ang pinsalang dulot ng Bagyong Odette, mabilis silang natulungan ng PSSLAI. Sa loob ng isang oras, dumating ang tulong na tila isang anghel. Ani ni PSSG Maricar, “Nasa kasagsagan ka ng emergency, hindi ka makapag-isip nang maayos tapos parang may angel lang na dumating sa harapan mo.”
Hindi kahihiyan para sa kanila ang mangutang sa PSSLAI, bagkus ay naging susi ito sa kanilang tagumpay. Sa pamamagitan ng sipag, tyaga, at disiplina, nagbunga ang kanilang pagsusumikap. Buong puso nilang ipinagmamalaki ang tulong ng PSSLAI na nagsilbing gabay at biyaya sa kanilang pamilya.
Ngayon, nais nilang hikayatin ang iba pang kasapi ng PNP na maging bahagi ng PSSLAI para sa mabilis at maasahang serbisyo. Para sa kanila, ang PSSLAI ay tunay na kasangga sa bawat pagsubok at tagumpay. Sabi ni PSSG Maricar, “Kaagapay ko si PSSLAI sa hirap at ginhawa ng buhay.”
Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy