Members' Rights and Responsibilities
PSSLAI values every member, kaya mahalaga sa amin na protektado ang inyong mga karapatan bilang bahagi ng ating samahan. Kasabay nito, may tungkulin din ang bawat miyembro na alagaan at suportahan ang Asosasyon para sa patuloy na paglago at tagumpay nito.

Rights of PSSLAI Members
- Participation in the Annual General Membership Meeting (AGMM): Bilang miyembro ng PSSLAI, may karapatan kang dumalo sa Annual General Membership Meeting (AGMM) na ginaganap tuwing ika-3 Sabado ng Enero sa PSSLAI Corporate Office, Quezon City. Alamin ang performance ng Association, mga plano nito, at makibahagi sa mahahalagang desisyon.
- Voting Rights: Ang mga Regular Members na nasa good standing ay may karapatang bumoto sa Board of Trustees election tuwing ikatlong taon kasabay ng AGMM. Bawat Regular Member ay may isang boto—isang mahalagang pribilehiyo na makatutulong sa direksyon at pamumuno ng Association.
- Access to Information: Bilang miyembro, may access ka sa audited financial statements at annual report ng PSSLAI sa official website. Ito ay nagbibigay ng transparency sa financial performance ng Asosasyon at nagpapaliwanag kung paano nagagamit ang pondo ng Asosasyon.
- Confidentiality of Your Deposits: Protektado ang iyong deposito sa ilalim ng R.A. No. 8367 (Revised Non-Stock Savings and Loan Associations Act) at tinitiyak na ito ay mananatiling lubos na kumpidensyal.
- Data Privacy Protection: Mahigpit na pinangangalagaan ng PSSLAI ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Duties and Responsibilities of a PSSLAI Member
- Understand and Follow PSSLAI’s Rules and Regulations: Pahalagahan at sundin ang Articles of Incorporation, By-Laws, at lahat ng patakaran at regulasyon ng PSSLAI at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
- Trust PSSLAI to Safeguard Membership: Tanggapin at kilalanin ang awtoridad ng PSSLAI na tumanggi, mag-suspend, o mag-terminate ng membership, kung kinakailangan, nang may tamang proseso, upang protektahan ang interes ng lahat ng miyembro.
- Make the Most of PSSLAI’s Products and Services: Tangkilikin ang mga loan products ng PSSLAI at iba pang serbisyo upang matugunan ang iyong financial needs habang sinusuportahan ang paglago ng Association.
- Keep Your Information Updated: Siguraduhing updated ang iyong ID at membership records kada limang (5) taon o tuwing may pagbabago sa iyong personal o contact details.
- Be A Member in Good Standing: Panatilihin ang good standing bilang miyembro sa pamamagitan ng:
- Pagsunod sa mga patakaran ng PSSLAI.
- Pagiging updated sa lahat ng loan payments.
- Pagprotekta sa reputasyon at katatagan ng PSSLAI sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang aksyon na makasasama sa interes ng Association.
- Keep Your Information Secure: Panatilihing confidential ang iyong account details tulad ng member number, PINs, at passwords. Iwasan ang pagbabahagi nito sa iba.
- Communicate Directly with PSSLAI: Para sa anumang tanong o concern, dumulog lamang sa official channels ng PSSLAI at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.
- Promote PSSLAI Membership: Hikayatin ang iba na maging miyembro ng PSSLAI upang maranasan din nila ang mga eksklusibong benepisyo at serbisyo ng Association.
Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy