Donation of Law Books
Bilang bahagi ng Legacy Program ni Chief PNP, PGEN Rommel Francisco Marbil, at sa suporta ng PSSLAI sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Lucas M. Managuelod, Chairman at CEO, naisakatuparan ang pagbili at pamamahagi ng 9,400 legal books na nagkakahalaga ng Php15.5 Milyon sa iba’t ibang police units at stations sa buong bansa.
Layunin ng donasyon na ito na palawakin ang kaalaman ng ating kapulisan sa mga legal na usapin at kasanayan sa pagpapatupad ng batas. Tiyak na magagamit hindi lamang sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin kundi pati na rin sa pagbibigay ng maayos at makatarungang serbisyo publiko.
Ang proyektong ito ay sumasalamin sa taos-pusong pagkilala at pasasalamat sa mahalagang tungkulin ng ating kapulisan bilang tagapangalaga ng batas at kaayusan sa ating komunidad. Sa bawat pahina ng mga aklat na ito, hangad ng PSSLAI ang kanilang higit na proteksyon sa pamamagitan ng mas malalim na kaalaman sa mga legal na aspeto.

Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy