PSSLAI Kaagapay ng PNP at BFP sa Serbisyong Komunidad
Ang PSSLAI ay tumutulong sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbibigay ng kalidad na serbisyo sa ating komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga Corporate Social Responsibility Programs.
Bukod sa mga mataas na kita mula sa kanilang mga investment at deposits, ibinabalik din ng PSSLAI ang 5% ng kanilang net income sa kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng mga CSR initiatives tulad ng financial assistance, scholarships, at outreach programs na nakikinabang ang sektor ng public safety.
Kabilang sa mga programa ng PSSLAI ang PNP Legal Assistance Program, Scholarship Program, pagpapatayo ng mga state-of-the-art na mga police station at training centers, pagbibigay ng mga kagamitan sa opisina, police vehicles, ambulances, at financial assistance para sa iba’t ibang pangangailangan at programa ng mga pulis at bumbero.

Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy