Free Legal Lecture
Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng PSSLAI sa ating mga kapulisan, matagumpay na naidaos ang Free Legal Lectures na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Rex Bookstore Inc. Ang programang ito ay idinisenyo upang paigtingin ang kaalaman ng ating mga pulis sa batas at mga legal na proseso.
Ang unang sesyon ay ginanap sa NCRPO, Camp Bagong Diwa noong Disyembre 6, 2024. Ito ay pinangunahan nina RIDM Assistant Chief, PLTCOL Matron B. Calyaen at PSSLAI Manager, Atty. Maria Corazon J. Juanico. Ang mga pangunahing tagapagsalita ay sina Atty. Modesto Ticman at Judge Serafin Salazar. Samantala, ang ikalawang sesyon ay isinagawa noong Disyembre 7, 2024, para sa mga NOSU, NASU, at Directorial Staff Personnel sa SIDD Classrooms 1 and 2, Camp Crame. Pinangunahan ito nina PBGEN Matthew Baccay, DIDM Director, PSSLAI Camp Crame Branch Head, Mr. Ulysses Dimitui at Judge Marlo Campanilla na nagsilbing lecturer.
Ang mga Free Legal Lectures na ito ay bahagi ng malawakang inisyatibo para sa lahat ng Police Regional Offices sa buong bansa. Patuloy na magsusumikap ang PSSLAI na magbigay ng makabuluhang programa para sa kapakanan ng ating mga kapulisan.

Privacy Notice and Cookie Policy
PSSLAI uses cookies to personalize and enhance your experience on our site. For more information, please see our Privacy Notice and our Cookies Policy