Paalala para sa ating mga Ka-Miyembro: Tungkol sa R.A. No. 12214 at Interest Income Tax
Tungkol sa R.A. No. 12214 at Interest Income Tax
Dahil sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12214, partikular ang probisyon ukol sa 20% final withholding tax sa interest income mula sa mga deposito, nais naming linawin na hindi saklaw ang PSSLAI ng batas na ito.
Ang PSSLAI ay isang non-stock savings and loan association (NSSLA) na nakapailalim sa Republic Act No. 8367. Sa ilalim ng batas na ito, may pribilehiyo ang mga NSSLAs na hindi patawan ng 20% buwis sa interest income. Walang bagong batas na nag-aalis o nagbabago sa exemption na ito.
Kaya’t ang interest income mula sa inyong savings o deposito sa PSSLAI ay mananatiling TAX-FREE. Buong-buo ninyong matatanggap ang kita mula sa inyong ipon.
Sa PSSLAI, ang inyong tiwala ay aming pinangangalagaan. Patuloy kaming magseserbisyo nang tapat para sa kapakanan ng ating mga miyembro mula sa PNP, BFP, at kanilang mga pamilya.