MEMBERSHIP

Need help with the ONLINE MEMBER INFORMATION UPDATE? We’re here to assist you! If your question isn’t listed on the attached file, feel free to reach out to us on our Contact Us Page.

CLICK HERE for the complete FAQs on our Online Membership Update

Ang bawat member ay required na mag-update ng membership information kada- limang (5) taon, o tuwing may pagbabago sa inyong personal at contact information (halimbawa sa inyong civil status, address o contact number), o kung may pagbabago sa inyong pirma bunsod ng inyong kalagayang pisikal. Mahalaga na updated ang inyong membership information o record upang madali kayong makontak o mapadalhan ng sulat kung kinakailangan. Ang regular na pag-update ng membership information ay alinsunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas at polisiya ng Asosasyon.

  1. Maaaring magsadya ang Representative sa opisina upang kumuha ng membership forms at ipadala ito sa member na nasa ibang bansa. Maaari ring directang i-email sa member na nasa overseas ang membership form at i-print.
  1. Sa pamamagitan ng Social Media (Facebook messenger o Viber), ivi-videocall ng New Account Representative ng PSSLAI Head Office ang member para makita, makausap, at ma-guide sa tamang pagsagot ng membership form.
  1. Ihahatid ng Representative ang original na documents sa PSSLAI office.  Kinakailangan ng Authorization letter na pirmado ng member kung sakali na ipapakuha niya through Representative ang kanyang PSSLAI ID (at passbook).

Siguraduhin na hindi damaged or sira ang black magnetic strip na nasa likod ng inyong PSSLAI ID. Kung sira na ito, kinakailangan na itong palitan.

Kung hindi naman sira or damaged ang black magnetic strip ng ID, i-approach ang PSSLAI personnel para ma reset ang inyong PSSLAI ID PIN.

Ang membership ng kanyang Associate members ay automatic din na mate-terminate kung voluntary na nagpaterminate ng membership ang Regular member.

Kung sakaling pumanaw ang Regular member, maaaring ipagpatuloy ng mga Associate members ang kanilang membership. Kinakailangan lamang makipag ugnayan sa pinakamalapit na PSSLAI office upang mag submit ng Death Requirements.

Nagiging dormant ang isang PSSLAI account kung ito ay walang client initiated transactions gaya ng withdrawal o deposit sa loob ng 2 taon.

Nagkakaroon ng dormancy charge pagkatapos ng 5 taon mula sa huling transaction ng account. Ang dormancy charge ay P30.00 per month.

Ang Asosasyon ay nagpapaaral sa myembro ng PSSLAI ng Diploma Course sa Ateneo de Manila kada taon at maaaring magpasa ng application tuwing Enero hanggang Mayo ng taon.

Ang scholarship program ay para sa mga Uniformed personnel ng PNP at BFP na may limang taon na sa serbisyo. Siya ay dapat nasa active service at the time of application at may natitira pang limang taon bago magretiro.

Kinakailangang magbigay ng Letter Request, updated Personal Data Sheet at Transcript of Record sa alinmang PSSLAI Office. Ang mga magpapasa ay dadaan sa proseso ng exams at interview.

Ang kursong Professional Diploma in Family Ministries (Guidance Counselling) ay tatagal ng isang taon sa Ateneo de Manila University.

Layunin ng aming Corporate Social Responsibility (CSR) na makatulong sa mga miyembro ng PSSLAI at bawat unit ng Public Safety Agencies. Magpasa ng Letter Request at Roster of Troops sa alinmang PSSLAI Office.

Ang mga donation requests ay subject to approval ng pamunuan ng PSSLAI.

Ang  financial assistance ay ibinibigay sa mga Regular Members ng PSSLAI na nasugatan o namatay sa lehitimong operasyon.

PNP- Php 9,650

NUP (PNP) – Php 5,000

BFP- Php 5,000

Maari pong mag avail ng Back to Back loan, kung saan ang nakacollateral ay ang inyong deposito. Ang pinakamababang maaring iloan ay Php 50,000.00.

Ang MRI (Mortgage Redemption Insurance) na kinaltas ay para sa insurance ng loan. Kung ang miyembro ay pumanaw habang may loan, ang insurance company na ang bahalang umayos ng naiwang loan ng  sa ganon ay hindi na maaabala pa ang naiwang kaanak or pamilya. 

Ang MRI ay nakadepende sa halaga  ng inyong principal loan amount.

Hindi po kinakailangan ng downpayment ngunit ito ay collaterized.

Bukod sa mababang interest rate, ang Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ay nakapangalan na sa miyembro /sa taong nag apply ng Car Loan. Hindi na rin kakailanganin magsumite ng taun-taong non-life insurance.

Oo. Kumuha lang ng mga sumusunod:

  1. Loan balance sa dealer o bank kung saan ipinangutang o pina-finance ang car loan
  2. Photocopy ng OR/CR, Deed of Sale
  3. ID ng Seller

Ito rin ay fully secured ng deposit o collateralized katulad ng normal na car loan.

May sinusunod na Cut-Off ang fund transfer transactions: 

        * 1:30 pm for  PNB over the counter (OTC)  transactions.

        * 3:30 pm for PNB ATM, MLhuillier, LBC, and PSSLAI Visa Card transactions.

Lahat ng fund transfer transactions after ng cut off, weekends at public holidays, ay mapa-process sa susunod na banking day.

Ito ay ginagamit sa pag maintain at pagpapatakbo ng iTrack service.

Alinsunod sa BSP, ang pagbibigay ng dividends ay dapat ginagawa isang beses isang taon lamang. Kung nais na i-request na mai-advance ang kanyang dividend sa July, kinakailangan pirmahan ng isang member ang Advances to Members Authorization Form or AMA Form.

Ang Advances to Members Authorization Form o AMA form ay kailangang pirmahan ng isang member kung nais na irequest na mai-advance ang kanyang dividend sa July. Kung walang pinirmahang AMA form, matatanggap ng member ang isang buong dividend na 18% tuwing January.

Alinsunod sa BSP Circular No. 789, lahat ng SLAI ay inatasang mag-iwan ng 10% ng pinakamataas na balanse sa Capital Contribution account ng mga miyembro.

Ang halagang nakahold ay magkakaroon pa rin ng dibidendo ngunit ito ay maaari lamang withdrawhin kung ang miyembro ay magpapa terminate na ng kanyang membership.

Opo. Ang mga miyembro ng PSSLAI ay padami ng padami at PSSLAI  lamang ang may pinakamataas ng dividend na 18% kada taon. Ang dividend rate na ito ay hindi nagbago mula ng naitayo ang PSSLAI noong 2003. 

Ang PSSLAI din ay na recognized at napasama sa Top 500 Corporations by the Philippine Business Profiles & Perspectives, Inc.

Hindi. Ang PSSLAI ay hindi member ng PDIC  (Philippine Deposit Insurance Corporation) Ang PSSLAI ay regulated ng BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas).

Ang cash transactions gaya ng withdrawal at deposit ay available lamang  sa PSSLAI Head Office or sa Camp Crame Branch.

Pakidala ang mga sumusunod:

  1. PSSLAI ID – Upang makapag transact, sigurahin na hindi expired ang inyong PSSLAI ID.
  2. PSSLAI passbook
  3. Withdrawal/Deposit slip – Paki sulat ang tamang format ng date (dd/mm/yr). Kinakailangan din na may counter signature sa mga fields na may bura or alterations.

Php 100.00 per certificate/statement per account.

5 Million ang ceiling ng Capcon account para sa lahat ng miyembro.

Kapag umabot na sa 5 Million ang inyong Capcon balance, hindi na ito maaari pang dagdagan ngunit ito ay patuloy paring kikita ng dividend.

Maari pong puntahan ang https://www.psslai.com/savings/

Every quarter ang bigayan ng interest at ito ay papasok/ma-credit sa Cash Advance Storage Account (CASA).

Ito ay ang halagang makukuha ninyo tuwing kayo ay nagrereloan. Katumbas ito ng isa hanggang dalawang  buwang hulog sa inyong loan depende kung kalian nagsimula ang deduction ng loan na nirenew.

Ang program na ito ay para sa mga piling miyembro na may underpayment o past due accounts. Sa pamamagitan ng program na ito, hindi na kakailanganin bayaran ang  naipong penalties at interest.

Makipag ugnayan sa pinakamalapit na PSSLAI office o tumawag sa Customer Care hotline para malaman kung kayo ay qualified sa program na ito hanggang Dec 27, 2019.

Makipag ugnayan sa pinakamalapit na PSSLAI office upang maibigay sa inyo ang halaga o breakdown na kailangan bayaran.

Ang automatic salary deduction para sa CapCon ay kadalasang pumapasok sa CAPCON account 2nd – 3rd week ng susunod na buwan.

Inire-remit ng PNP Finance ang collection sa PSSLAI tuwing katapusan ng buwan at doon pa lamang mache-check at magagawan ng report para sa pag credit sa Capcon.

Sa pag-implement ng PNP Billing System, automatic na mahihinto ang deduction ng loan kapag ang NRI (Number of Remaining Installment) na makikita sa payslip ay umabot na sa 0 (zero).

Kung ang NRI ay hindi tumutugma sa loan amortization schedule, makipag ugnayan sa PSSLAI para macheck ang inyong mode of payment ganun din ang inyong ledger kung may kakulangan sa loan payments.

Ito ay dahil sa mayroon kang underpayment o past due. Makipag ugnayan sa pinakamalapit na PSSLAI o tumawag sa aming Customer Care hotline.